Luis Manzano, Angel Locsin nagde-date na muli

NATUTUWA ang actress-politician na si Gov. Vilma Santos dahil ang tsika ay nagkakamabutihan na naman daw ang anak nitong si Luis at itong GF nito na si Angel Locsin.

Aprub naman kay Ate Vi kung magkabalikan muli itong si Luis at Angel, hindi naman siya tutol na maging mag-on silang muli.

Ibinuking din ng kampo ni Ate Vi na muli na naman daw nagkikita at nagde-date ang dalawa. Simula na naman daw ito ng kanilang love story at hindi daw naman malinaw ang kanilang paghihiwalay at hindi naman daw totally split ang dalawa kundi nagkaroon lang ng space sa isa’t isa itong sina Angel at Luis.

Na-realize siguro na mahal pa pala nila ang isa’t isa at hindi naman kontra sina Ate Vi, Edu Manzano at Ralph Recto kung magkabalikan ang dalawa.

Simula nga raw nang pansamantalang maghiwalay ang dalawa ay hindi naman daw itinigil ni Luis ang komunikasyon kay Angel, kaya happy talaga ang Star For All Season sa nagkakamabutihan na naman itong kanyang anak na si Lucky sa dyowa nito na si Angel.

Kaya pala full of energy, blooming at inspired sa work ngayon si Luis dahil na rin sa pagkakamabutihan nilang muli ni Angel. Happy si Luis at hindi naman daw siya pinagdadamutan ni Angel sa hiling nitong date kapag hindi rin lang busy ang aktres ayon pa sa tsika.

Ang tanong lang, paano na ang planong panliligaw nitong si Phil YoungHusband, ituloy pa rin kaya?

Kaya makakaasa naman si Lucky na gravcevious ang suporta ng kanyang ina sa pagbabalikan nila ni Angel.

Dagdag tsika pa ay nag-aaral na din daw ng football si Luis na siyang paboritong sport ngayon ni Angel dahil na rin sa magkapatid na Phil at James Young Husband.

DAWN ZULUETA AT EULA VALDEZ, BALIK DOS PARA SA REMAKE NG MULA SA PUSO

BALIK- akting si Dawn Zulueta at balik-Dos naman si Eula Valdez para sa remake ng Mula Sa Puso sa bago nitong bersyon na pinagbidahan noon nina Claudine Barretto at Rico Yan.

Mas bonggacious daw ngayon ang makabagong Mula Sa Puso at excited na rin si Dawn na muling makaarte. Aminado ang mahusay na aktres na na-miss niyang bonggang-bongga ang pag-arte at ngayon nga na balik pag- arte si Dawn ay makikipagtalbugan naman siya ng aktingan dito sa mahusay din na aktres na balik Dos na si Eula.

Ayon naman sa tsika na mas oks daw sana kung kasama pa dito ang dating bida na si Claudine.

Kaso malabo daw na mangyari na makasama si Claudine sa nasabing teleserye ng Kapamilya at alam naman ng lahat na nasa ibang bakuran na ito.

Okey na raw ang line up ng mga artista na pasok sa bagong teleserye sa tumatak sa puso ng tao noon at sa bagong remake na Mula sa Puso ay bonggacious ang pinakakaabangan bakbakan sa aktingan nina Dawn at Eula. Jovi LLoza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply