LWUA exec inakusahan

NAKASUHAN ng tatlong bilang ng graft sa Sandiganbayan ang isang mataas na opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na umano’y tumanggap ng mga iligal na benepisyo sa loob ng tatlong taon.

Sinampahan ng kaso ng LWUA Employees Association for Progress (LEAP) si Deputy Director Rodolfo S. de Jesus, na umano’y nakatanggap ng transportation allowance mula 2000 hanggang 2002 na umabot sa P139,734.

Base sa magkakahiwalay na impormasyon na  isinumite ni graft investigator Vladimir F. Pelaez, ang inakusahang opisyal ay tumanggap ng  P45,979.20  noong 2000, P31,649.80 noong 2001 at P62,106.20 noong 2002.

Ayon sa prosekusyon, iligal ang nasabing allowance dahil may may buwanang fuel allowance na 300 litro ang official service vehicle ni De Jesus.

Inaprubahan ni Overall Deputy Ombudsman Orlando Casimiro ang kaso laban kay De Jesus na ang principal witnesses ay sina Rustico B. Tutol at Roque C. Facura ng LEAP. Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply