Lyceum kampeon sa B-League

KINAMKAM ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates ang unang korona sa seniors division ng 1st National Collegiate Billiards League matapos pagharian ang katatapos na liga na ginanap sa SM Manila sa Arroceros, Martest ng gabi.

Hinirang bilang tournament’s  Most Valuable Player si Rommel Dugos na nanguna sa paglampaso sa National University (NU-Buldogs) papunta sa 3-2 victory para sa korona.

Inungusan ni Dugos si Reynold dela Fuente, 7-6 sa 10-ball upang makuha ang kalamangan subalit itinabla ni  Bulldogs’ Ron Elbert Licup  ang match matapos ilampaso si Robbie Sogueco 7-6 sa 9-ball upang mapwersa ang tie-breaking game.

Agad kumana ng 2-0 advantage ang  Lyceum’s pair ni Enrico Lat, Jr. at Jhunee Manarang subalit  na-scratch si Lat habang ipinapasok ang black 8 ball na nagbigay sa duo ng NU na sina Kenidy Ignacio at Danisse Inductivo nang pagkakataong  bumuwelta at lumamang sa iskor na 3-2. Agad ding gumanti ang Pirates sa 6th rack at lumamang sa 7th  ngunit kumabyos  sa green 6 si Manarang  na nagbigay ng pag-asa sa Bulldogs.

Matapos ang malulupit na placings at strategies,  nagkaroon ng magandang pagkakataon si Pirate Lat na tapusin ang laban at sakmalin ang kampeonato sa event na suportado ng Accel, H20 Hotel, Manila Ocean Park, Philippine Daily Inquirer, Star Publications, Philippine Charity Sweepstakes Office, Negros Billiards Stable, Malungai Life Oil, Niknok Pritson Manok, Hermes Sports Bar, Human Plus, Star Billiards Center, Brunswick, Bugsy Promotions, Mediacom, San Miguel Corporation, GSM Blue, PBA Party List and TV5. Rico Navarro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply