Maanomalyang PBA trades nabunyag!

NAKAAMOY umano ng anomalya si Philippine Basketball Association commissioner Atty. Chito Salud kaya agarang tinutulan ang malakihang trades na ikinakasa sa pagitan ng Air21 at San Miguel Beer.

Ayon sa sources, halata umano na nakatuon sa iisang panig ang trades dahilan upang hindi pumayag dito ang PBA head.

Kasama sa trades ang Air21 top three picks na sina Noy Baclao, Rabeh Al-Hussaini at Rey Guevarra.

Magiging kapalit naman ng mga ito sina San Miguel Beer veteran players Danny Seigle, Mick Pennisi at Joseph Yeo subalit kagyat itong kinontra ni Salud.

Binanggit ng sources na hindi makapaniwala si Salud na ipinagpalit ang tatlong bagito sa tatlong beterano sa liga.

“Nagdududa raw si Salud kaya ‘di ito pumayag at may naaamoy yata siyang ‘di maganda,” wika ng isang source. “Ito nga raw ang dahilan kaya ‘di ito pumayag.”

Ayon kay Salud, halatang pabor lamang sa iisang panig ang trades kung saan malalabag dito ang alituntunin ng liga.

Binigyang diin ng sources na kinailangan umanong pag-aralang mabuti ang trades kahit pa maganda ang offer na lubhang nakadududa.

Isa nga sa impormasyong tinawanan na lamang ng mga kritiko ay ang pagpayag ng Air21 na ibigay sa kanila ng Beermen ang 2011 first-round pick na wala pa naman sa poder nito.

Natuklasan na bago pa lamang ang Peb. 25 ay naikasa na ang usapan subalit natatakot ang fans ni Al-Hussaini dahil baka malaos agad ito sa pagpayag niya sa offer na pansamantala lamang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply