Mag-ama nilamon ng Laguna de Bay

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang mag-ama makaraang malunod habang lulan ng isang bangka habang papatawid ng Laguna de Bay sa Binangonan Rizal.

Kinilala ang mga biktima na sina Alipio Aragoncillo, nasa hustong gulang at kanyang anak na si Melody Aragoncillo, 8, kapwa ng Brgy. Sapan Talim Island, nabanggit na bayan.

Base sa ulat ni P02 Wilmer Privado, nangyari ang insidente dakong 8:00 ng umaga sa lawa ng Laguna na sakop ng Binangonan Rizal.

Ayon kay Abelino Disclar, inihahanda niya ang mga kahoy sa kanyang de-motor na bangka para dalhin sa lalawigan ng Laguna nang lapitan ng mag-ama at nakiusap na makiangkas sa kanya.

Noong una ay tumanggi si Disclar sa pakiusap ng mag-ama dahil sa may kaliitan ang kanyang bangka pero napapayag din siya kinalaunan.

Habang nasa lawa ay binayo ng malakas na hangin ang bangka na sinabayan pa ng mga alon dahilan para lumubog ang kanilang sinasakyan.

Masuwerteng nakalangoy si Disclar papunta sa baybayin pero minalas na nilamon ng lawa ang mag-ama. Cesar Barquilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply