Mag-amang Donaire bati na

TINULDUKAN na ni Nonito Donaire Jr. at ng kanyang ama ang dalawang taon nilang bangayan matapos na humingi ng ‘sorry’ ang junior sa mahal niyang ama.

Ayon sa tagapagsalita ni Nonito, Jr. na si Ferdinand Piano, sa loob ng isang Japanese restaurant naganap ang madamdaming pagbabati ng dalawa.

Mismong ang batang Donaire umano ang nagbukas ng usapan at ang bantamweight champion ay panatag na ngayon ang loob.

“Nonito and Rachel reached out,” pahayag ni Piano. “It was shaky at first.”

Si Piano ay pinsan ni Rachel Marcial-Donaire, asawa ni Nonito Jr., at siyang nanguna sa delegasyong bumiyahe mula San Mateo County hanggang Alameda County .

Ayon naman sa matandang Donaire, ang tanging gusto niya lang marinig ay ang apology ng anak sa bintang na nagnakaw siya ng $80,000 mula sa kanila.

Nilinaw naman ng boksingero na hindi niya inakusahan ang kanyang ama ngunit minabuti pa rin niyang humingi ng tawad. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply