Mag-asawa kinatay ng ampon

NASAWI ang mag-asawa makaraang tagain at saksakin ng kanilang ampon na lalaki sa Negros Occidental.

Nasawi sina Crispina Villamor, 77, at Francisco Villamor, 76, ng Brgy. Mahalam, Himamaylan City.

Ayon sa ulat ni PO3 Myra Entiera, ng Himmayalan City Police Station, nadatnan na lamang ng mga pulis na duguan ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay kahapon matapos nakatanggap ng report na may hacking incident sa lugar.

Nagtamo ng taga leeg ang ama na kamuntikan nang ikaputol ng kanyang ulo.

Nabatid na naisugod pa sa pagamutan si Crispina ngunit binawian din ng buhay dahil sa sugat nito sa ulo at likod makaraang maabutan ng taga ng ampon na si Loreto Moises y Rendon, 31.

Base pa sa ulat, isa umanong drug addict si Loreto na nagtulak sa kanya upang magawa ang krimen.

Kasalukuyang nakakulong si Loreto makaraang mahuli ng mga pulis sa kapitbahay mismo ng mga biktima matapos nitong maisagawa ang krimen. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply