Mag-asawa kinatay ng ampong durugista

PATAY ang mag-asawa matapos tagain ng ampong lalaki sa Himamaylan, Negros Occidental.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Crispina Villamor, 77, at Francisco Villamor, 76, ng Brgy. Mahalam, Himamaylan City.

Nabatid sa Himamayalan City Police Station, nadatnan na lamang ng mga pulis na duguan ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay matapos nakatanggap ng report na may hacking incident sa lugar.

Halos humiwalay anila ang ulo ng lalaki sa kanyang katawan habang naisugod pa sa pagamutan ang babae ngunit binawian din ng buhay dahil sa malubhang sugat sa ulo at likod bunga ng inabot na saksak at taga mula sa kanilang adopted na si Loreto Moises Rendon, 31.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagalit ang suspek nang hindi bigyan ng pera ng mga biktima sa hinalang gagamitin lamang iyon ng una sa kanyang pagdodroga.

Nakakulong na si Loreto na nahuli ng mga pulis nang magtungo sa kanilang kapitbahay matapos ang krimen.  Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply