Mag-asawang Ligot ipakukulong na

LANTARAN ang panloloko ng mag-asawang Ligot sa Senate Blue Ribbon Committee matapos matuklasang “wala palang sakit” ang dalawa kaya nagpasya ang komite na tuluyan nang sampahan ng contempt at ipakulong sa Senado.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa talamak na korapsyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III, inihayag ni Dr. Mariano Blancia na walang sakit sina dating AFP comptroller B/Gen. Jacinto Ligot at asawa nitong si Erlinda.

Nauna nang nagpahatid ng impormasyon ang mag-asawang Ligot na hindi sila makadadalo sa pagdinig dulot ng lagnat at gastroenteritis na nararamdaman ng mag-asawa na pinasubalian ni Dr. Blancia.

“Gen. Ligot is more healthy to attend the hearing than Mrs. Ligot, but they should have attended (the hearing),” ayon kay Dr. Blancia.

“She was anxious, kinakabahan. May anxiety siya at umiiyak minsan. But she could have attended,” giit pa ni Dr. Blancia sa kalagayan ni Mrs. Ligot.

Sa pagsusuri ni Dr. Blancia, natuklasan na normal ang blood pressure ng mag-asawang Ligot ngunit ikinatuwiran umano ni Gen. Ligot na nagkaroon siya ng lagnat nitong Martes, Marso 23, at umiinom ng gamot kaya’t hindi nakadalo sa Senado.

“At the time of examination, Gen. Ligot has no fever and yesterday, he has a flu-like symptom, but did not seek any consultation, and made self medication. He took Bioflu,”giit ni Blancia.

“At the time of our examination, the only thing we got is the increase in his blood pressure. He [had] undergone self congestions,” paniniyak ni Blancia.

Dahil dito, inihayag ni Guingona na dapat nang kasuhan ng contempt ang mag-asawang Ligot dahil sa pagsisinungaling at pag-iwas sa pagdalo sa Senado kaya’t kokonsultahin ng mambabatas ang miyembro ng makapangyarihang Blue Ribbon upang sampahan ng kasong contempt at ipakulong sa Senado ang dalawa. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply