Mag-asawang Ligot swak na sa Senado

SIYAM senador na ang lumagda sa ipinaikot na resolusyon upang kasuhan ng contempt at maipakulong anomang oras sina dating AFP comptroller B/Gen. Jacinto Ligot at misis na si Erlinda matapos lantarang “lokohin” ang Senado sa pagsasabing nagkasakit sila kaya hindi nakadalo sa pagdinig.

Sa text message ng staff ni Sen. Teofisto Guingona III, sinabi na nakalagda na sa contempt charges sina Sens. Gregorio Honasan, Serge Osmena, Franklin Drilon, Francis Pangilinan, Jinggoy Estrada, Pia Cayetano, Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Ralph Recto.

Lumagda rin si Guingona kaya ano mang oras ay maaari nang patawan ng contempt at makulong ang mag-asawang Ligot sa Senado.

Nauna nang naghain ng mosyon si Estrada upang sampahan ng kasong contempt ang mag-asawang Ligot matapos mapatunayan ng Senate Medical and Dental Services chief Dr. Mariano Blancia na walang sakit at malusog ang mag-asawa.

“Hinihintay na lamang namin ang ibang senador na lumagda sa resolusyon bago dalhin kay Senate President Juan Ponce Enrile,” ayon sa staff ni Guingona.

May 17 miyembro ang Senate Blue Ribbon Committee ngunit kailangan lamang ng boto o pirmang siyam para aprubahan ni Enrile ang pag-aresto sa sinumang sumusuway sa kautusan ng komite. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply