Mag-asawang tulak arestado ng PDEA

ISANG mag-asawang pusher ang inaresto ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation sa Mandaluyong City.

Sa naantalang ulat na isinumite ni  Regional Director Wilkins Villanueva kay Undersecretary Jose Gutierrez Jr. PDEA Director General,  kinilala ang mga nadakip na sina Norman Bedo Sumangka at asawa na si Rugaya Bedo Saguidsilan, kapwa nadakip sa Samat St.,  at  Shaw Blvd., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Nakumpiska sa mag asawa ang humigit kumulang na 29.215 gramo ng shabu.

Pansamantalang nakapiit sa PDEA Detention Facility ang mag-asawa habang agad din silang kinasuhan ng pagalabag sa Section 5. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply