Mag-ayuno at magkawang-gawa sa Kuwaresma – Cardinal Rosales

HINIMOK ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang mga mamamayan na mag-ayuno at magkawang-gawa ngayong nalalapit na ang panahon ng Kuwaresma.

Ang panawagan ni Rosales ay kasunod nang pormal na pagsisimula ng Lenten season sa Marso 9, Ash Wednesday.

Ayon kay Rosales, bukod sa pag-aayuno, dapat ding magkawang-gawa ang mga mananampalatayang Kristiyano, sa pamamagitan nang pagtulong sa mga taong nagugutom at mga kabataang kulang sa nutrisyon.

Maaari aniyang tumulong sa mga feeding program ng Hapag-asa ng Simbahang Katoliko na tinawag na FAST…FEED 2011.

Ani Rosales, layunin ng naturang programa na isulong ang mga hakbang para labanan ang gutom at malnutrisyon ng mga kabataan sa buong bansa, partikular na sa mga komunidad na mataas ang antas ng kahirapan.

Ang nabanggit na programa ay nakatakdang ilunsad sa Ash Wednesday sa lahat ng diocese sa buong bansa.

Ang Hapag-asa ay bahagi ng Pondo ng Pinoy movement na itinatag ni Rosales. Kyle Gatus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply