Mag-ina patay sa lindol sa Japan

KUMPIRMADONG nasawi ang dalawang Filipino sa nagdaang lindol at tsunami na tumama sa bansang Japan.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Manuel Lopez, isang ina at anak na babae ang namatay sa naturang kalamidad.

“Confirmed yan, mag-ina. Kahapon nadiskubre kahapon namatay dahil sa tsunami, sa Iwaki City, Fukushima Prefecture,” ayon kay Lopez sa isang panayam sa dzBB.

Batay naman sa isang report ng GMA News, nakilala ang mga nasawi na sina Grace Agnes Oprecio-Hiruta at ang kanyang anak na si Maria, 12.

Nakatakdang tumungo ang kaanak ng mga bikima mula sa Tokyo papuntang Iwaki City.

Kaugnay nito, sinabi ni Lopez na posibleng marami pang casualties ang maiulat sa susunod na araw.

“Ang figures ng Japanese government, tumataas every day mga confirmed. Maaari pero I hope wala sanang madagdag sa dalawang ito,” ayon pa kay Lopez.

Samantala, ayon kay Overseas Workers Welfare Administration head Carmelita Dimzon, hindi kaagad makakakuha ng OWWA benefits ang mga nasawi, lalo na’t hindi nakarehistro ang mga ito bilang miyembro nila.

“Kung sila ay residente, maaring tutulong sa atin ang national government pero ang OWWA kung di sila member wala tayong programa sa ganoon , ayon pa kay Dimzon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply