Mag-inang Chinese minartilyo ng akyat-bahay

SUGATAN ang mag-inang Chinese matapos martilyuhin sa ulo ng miyembro ng Akyat-Bahay Gang nang maaktuhan silang nagnanakaw sa loob ng bahay ng mga biktima, Biyernes ng gabi sa Barangay Acacia, Malabon City.

Kasalukuyang ginagamot sa MCU hospital ang mga biktimang nagtamo ng palo sa ulo na sina Ng Sau King, 84, at kanyang anak na lalaki na si James Coy Ng, 53, tubong Fukien China.

Agad namang inatasan ni Sr. Supt. Cornelio Barrios ang kanyang mga tauhan na hanapin at kilalanin ang isang suspek matapos inguso ng umano’y look out sa labas na si Jasper Cruz, ng Lingkod ng Nayon, Tugatog Malabon.

Sa imbestigasyon ni P03 Edsel dela Paz, ng Station Investigation Division ng Malabon police, naganap ang pagnanakaw dakong alas-dos ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, nagising si James Co sa loob ng kanyang kwarto nang marinig ang paghingi ng saklolo ng kanyang ina.

Nang tunguhin ang matanda ay nakita niyang sugatan na ito.

Nang tangkain niyang lapitan ang ina ay may humataw din umano sa kanya ng martilyo dahilan para mawalan siya ng malay.

Dinala naman sa pagamutan ang mag-ina ng mga nagmalasakit na kapitbahay.

Patuloy naman ang pagtugis ng awtoridad sa mga tumakas na suspek.  Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply