Mag-lola natusta

HINDI na makilala ang mag-lolang sina Juanita Dulawan at apo nitong si Lady Dawn Sanchez makaraang matusta sa sunog sa kanilang tahanan sa Barangay Ricarte Norte, Diffun, Quirino bandang 11:00 ng gabi ng Martes, ika-22 ng Marso.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), natagpuan ang dalawang sunog na bangkay sa kanilang kuwartong tinutulugan.

Hinihinala ng mga kapatid ng matanda na sinadya ang pagkakasunog ng bahay ng kanilang kapatid dahil ito ay nangangamoy pa ng gasolina.

Patuloy pang inaalam ng BFP sa naturang lugar kung ano ang naging sanhi ng sunog. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply