Mag-utol na rapist ng 12-anyos arestado

ARESTADO na ang magkapatid na gumahasa sa 12-anyos na may sakit sa pag-iisip sa Tondo, Maynila.

Pinaghahanap pa ng awtoridad ang isa pang suspek sa nasabing krimen.

Hawak na ng MPD-Station 1 ang magkapatid na sina Robert Perez, 39, at Roderick Perez, 36, ng JP Rizal st., Lallana, Tondo, habang pinaghahanap ang isa pang suspek  sa panghahalay sa biktima, na itinago sa pangalang “Grasya” ng Malabon City.

Ayon kay SPO1 Manolito Andama, naaresto ang mga suspek alas-nuwebe ng gabi noong Martes sa tulong ni Barangay Chairman Antonio Santos ng Barangay 104, Zone 8, Tondo at ng kanyang mga tanod.

Nauna rito, isang hindi nagpakilalang kapitbahay ng mga suspek ang nakapansin umano na dalawang linggo nang namamalagi ang biktima sa bahay ng mga suspek.

Noong nakalipas na Lunes ay nadiskubre ng kapitbahay ng magkapatid ang ginawang panghahalay sa biktima sa eskinita ng J.P. Rizal  kaya agad nagtungo sa kanilang barangay para magsumbong.

Agad kumilos ang mga awtoridad ng barangay sa pangunguna ni Santos  at inaresto ang magkapatid.

Sa presinto ay inamin naman ng magkapatid naPerez na ginahasa nila ang biktima habang ito ay lumagi sa kanila ng ilang linggo.

Kaugnay nito, isa pa umanong suspek ang pinaghahanap ng pulisya dahil ito ang  nagdala sa biktima sa bahay ng magkapatid nang makita niyang pagala-gala sa lansangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden/Photo by: Crismon Heramis

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply