Mag-utol na suspek sa holdap bumulagta

CABANATUAN CITY – Patay ang magkapatid na lalaki na pinaghihinalaang holdaper nang mauwi sa engkuwentro ang pagharang sa kanila ng isang kagawad ng pulisya sa mataong intersection ng Gabaldon at Del Pilar streets sa lungsod na ito, Huwebes ng umaga, Marso 24.

Kinilala ni P/Senior Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija Police provincial director, ang dalawang napatay na sina Ding Cabanlit, 43, at Mark Cabanlit, 38, kapwa residente ng Barangay M.S. Garcia sa lungsod na ito.

Ayon sa pulisya, naka-engkuwentro ng mag-utol ang provincial intelligence officer ng Nueva Ecija Police Provincial Office na si Supt. Ricardo Villanueva.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-9:50 ng umaga, sakay ang magkapatid ng motorsiklong Bajaj (plate No. RH 2120), nang sitahin sila ni Villanueva. Imbes umanong sumunod sa iniuutos ng pulis ay umakmang bubunot ang mga ito ng kanilang dalang armas kaya inunahan sila ng pagpapaputok ng pulis.

Isang nagpakilalang kaanak ng mga biktima ang nagtungo sa crime scene at nagsabing hindi masasamang-loob ang mga nasawi. Ver Sta. Ana

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply