Magarbong graduation rites bawal -Ched

MAHIGPIT na pinagbawalan ng Commission on Higher Education (Ched) ang mga eskwelahan at mga unibersidad na magdaos ng magagarbong graduation rites ngayong Marso.

Ayon kay Atty. Julito Vitriolo, executive director ng Ched-Quezon City, dapat maging simple lamang ang graduation rites ng mga mag-aaral at huwag ganapin sa mamamahaling lugar para upang maiwasan ang paniningil ng mahal na graduation fee ng mga paaralan.

Ani Vtriolo, kung maaari sana ay gawin na ring simple ang yearbook, graduation party at iba pang aktibidad tuwing graduation.

Hinikayat pa ni Vitriolo ang mga estudyante at mga magulang na agad na magsuplong sa tanggapan ng Ched kung may na-monitor na eskwelahang naniningil ng sobra-sobra.

Ayon kay Vitriolo, agad nilang iimbestigahan ang mga eskwelahang irereklamo at bibigyan ng karampatang aksyon. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply