Magbebenta ng ‘botcha’ makukulong ng 2 taon

AGAD naaprubahan ng Senate committee on trade and commerce ang isang panukalang batas na magpapataw ng dalawang-taong pagkakakulong at pagmumulta ng hindi hihigit sa P50,000 ang sinumang mapatutunayang nagbebenta ng “botcha” o karneng “double-dead.”

Sinabi ni Sen. Manny Villar na nagkasundo ang mga miyembro ng komite na pahigpitin ang parusa sa sinumang magbebenta ng botcha upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan at mabigyan ng proteksyon ang lehitimong magkakarne.

Nagdesisyon ang komite na itaas mula sa dating P1,000 sa P10,000 hanggang P50,000 ang multa dahil tila minamani lamang ng mga nagbebenta ng botcha ang kasalukuyang halaga ng parusa.

Iniulat ng National Meat Inspection Service ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa mahigit sampung tonelada ng botcha ang nakumpiska ng ahensiya mula sa iba’t ibang palengke sa buong bansa.

Pangkaraniwan umanong nahuhulihan ang ilang tindera sa Cloverleaf Public Market, Dvisoria Public Market at  Pasay Public Market na talamak sa imbakan ng dead meat.

“Republic Act 9296 or the Meat Inspection Code of the Philippines prohibits the sale of double dead meat. But from these official data, it is obvious that the law is weak, as some unscrupulous individuals continue to violate it,” ani Villar.

Sinabi ni Villar na kailangang bigatan ang parusa laban sa nagbebenta ng botcha upang mapangalagaan na rin ang kapakanan ng mamamayan lalo pa’t posibleng ikamatay ng  isang tao ang pagkain ng double dead na karne.

“The most immediate effects of eating botcha would be vomiting and diarrhea – the telltale signs of food poisoning. Sepsis or blood infection can also happen. Additionally, worms from pork meat can enter our brains , which causes seizures that could lead to death,” paliwanag ng senador.

Nakatakdang ihain ni Villar  ang panukala sa plenaryo upang kaagad paaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Inirekomenda rin ng komite ang mahigpit na implementasyon ng meat labeling upang makasiguro na sariwa ang mga karneng ibinebenta sa supermarket at public market, at ang koordinasyon ng NMIS sa lokal na pamahalaan upang masugpo ang bentahan ng botcha.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply