Magdamag na labanan sa Libya, 48 patay

UMABOT sa 48 ang nasawi habang 165 ang sugatan sa magkahiwalay na sagupaan ng oposisyon at kampo ni Libyan leader Moammar Gadhafi.

Nabatid na 42 ang nasawi habang 85 ang sugatan sa magdamag na sagupaan ng oposisyon at kampo ni Gadhafi sa lungsod ng Misrata kung saan nakontrol ng oposisyon ang laban.

Nagtagumpay ang oposisyon sa puwersa ni Gadhafi at naprotektahan ng mga ito ang kanilang courthouse sa center ng oposisyon sa Misrata.

Hinarang naman ng humanitarian aid galing sa United Nations ang puwersa ni Gadhafi.

Sa kabilang dako, binomba ng Gadhafi forces ang bayan ng Bin Jawad kung saan anim ang patay habang 80 pa ang sugatan kabilang ang isang French journalist. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply