Magdamag na sagupaan sa Libya, 14 patay

TINATAYANG 14 na ang namamatay sa magdamag na sagupaan sa bayan ng Matsa El-Brega sa Libya.

Naitala ang naturang sagupaan na pinakamatinding nangyari sa bansa kung saan layunin ng kampo ni Gadhafi na mabawi ang nasabing bayan na itinuturing na oil facility.

Nabatid na binomba ng mga warplanes ang naturang bayan ngunit nanlaban ang mga raliyesta kung kaya nabigo ang pro-Gadhafi forces na mabawi ang kontrol dito.

Samantala, nababahala naman ang United Nations (UN) sa mga ulat na nabuksan na ang mga arms depot at arsenal sa Libya.

Ayon kay UN Secretary General Ban Ki-moon, nakatanggap na siya ng mga reports na binuksan ang taguan ng mga armas.

Dahil dito, agad pinaimbestigahan ni Ki-moon ang international community hinggil sa balita. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply