Magdamag sa detention cell: Ligot ikinulong para di pamarisan

NAGPALIPAS ng magdamag si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller at retired Lt. Gen. Jacinto Ligot sa kustodiya ng Senado makaraang ipaaresto upang bigyan ng leksyon sa iba pang tetestigo na hindi sasagot sa mga tanong ng mga senador.

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Rafael Zialcita, counsel ng pamilya Ligot, mas maigi na sana umano kung pahihintulutan ng Senado na sa kanilang bahay na mamalagi ang dating heneral dahil diabetic ito.

Nabatid na sa detention room ng Senado nagpalipas ng magdamag si Ligot, matapos na arestuhin ng mga tauhan ng Senate Sgt-at-arms kagabi.

Samantala, sinabi ni Senate Sgt-at-Arms chief retired Gen. Jose Balajada, Jr.,na nakatakdang isasailalim sa blood chemistry test ang dating heneral bilang bahagi pa rin ng medical attention na ibinibigay ng Senado.

Nakatakda ring suriin ang cholesterol level ni Ligot at sugar level nito.
Nabatid na hindi na pinapayagang makapunta ang media at publiko sa detention cell ng heneral kung saan tanging mga senador, kaanak at abugado ni Ligot, empleyado at doktor ng Senado ang puwedeng makapunta sa basement area.

Si Ligot ang unang retiradong heneral na ikinulong ng Senado at gumamit sa bagong kulungan dahil sa kasong contempt. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply