Maghilod mabuti para ‘di maapektuhan ng radiation – DENR

KAHIT malabong umabot sa Pilipinas ang epekto ng radiation leak sa Japan, nagbabala pa rin si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje na mag-ingat ang lahat.

Aniya, level 4 lang ang radiation sa mismong pinangyarihan ng insidente at kung makarating man ito sa bansa ay napakahina na.

Sakali umanong malasin ngang maiba ang takbo ng hangin at makarating sa bansa ang radiation ay huwag dapat lumabas ng bahay. Kung abutan umano sa labas ay dapat na maligo agad at maghilod na mabuti.

Matatandaang sinabi ni Philippine Nuclear Research Institute Dir. Alumandra dela Rosa na nakikipag-ugnayan sila sa International Atomic Energy Agency para malaman kung totoo ang ulat ng isang German weather agency na posibleng lilipad sa Philippine territory ang radioactive cloud galing sa Japan.

Gayunman, mismong ang Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kumumpirmang malabo ang ganoong senaryo dahil palayo sa Pilipinas ang ihip ng hangin. Nenet Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply