Magkakamag-anak umalma sa huli kalaboso

SAMA-SAMA ang apat na magkakamag-anak sa presinto na bitbit ng mga pulis matapos manlaban habang inaaresto sa Caloocan City Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Elino Tibon, 32; Ariel Paquing, 22; Nelinda Paquing, 44 at Araceliev Jumagdao, 42, pawang ng Mapagmahal st., Pangarap Village, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 10 ng gabi, pinuntuhan ng mga pulis ang nasabing lugar upang arestuhin si Tibon sa kasong Direct Assault sa MTC Branch 49.

Pumalag si Tibon at kinagat pa ang kamay ng isa sa mga pulis habang humarang naman ang tatlo pa sabay nagbanta na “hindi ninyo madadala si Elino, magkakamatayan tayo”.

Dahil dito, sama-samang hinuli ng mga pulis ang apat at kinasuhan ng obstruction of justice. Rene Manahan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply