Magkaribal na cycling group nagkaisa sa SEAG

POSITIBO ang isang kongresista na malaking potensyal ang ginawang pagsasanib pwersa ng dalawang magkaribal na cycling groups para sa nalalapit na 26th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin  sa Palembang, Indonesia sa Nobyembre.

“This is a huge breakthrough for Philippine cycling,” masayang pahayag ni LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty na isa ring miyembro ng House committee on sports and youth development committee.

Sinabi ni Ty na nagkasundo ang magkaribal na team nang lumagda ng memorandum of agreement (MOA) sina Dr. Philip Ella Juico, presidente ng Integrated Cycling Federation, at Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino, presidente ng PhilCyling.

“With the MOA, we can now concentrate on preparing our cyclists aggressively for the November games,” binigyang diin pa ni Ty.

Kung magtatagumpay aniya ang mga siklista sa SEA Games ay malaki aniya ang posibilidad na makapasok ang Pilipinas sa 17th Asian Games sa Incheon, South Korea pagsapit ng 2014.”

Kamakailan ay naghain si Ty ng resolusyon upang magkaroon ng congressional inquiry sa performance ng Filipino cyclists sa katatapos na international games.

Nagkasundo sina Juico at Tolentino na magtutulungan sa SEA Games sa ilalim ng pangunguna ng  Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).

Lumagda rin si Ty sa MOA  bilang testigo kasama sina PSC commissioner Salvador Andrada.

Kabilang sa kasunduan ang pagsusumite ng magkabilang panig ng listahan ng mga siklista at coaches sa POC at PSC at kanilang rerespetuhin ang magiging ruling ng POC at PSC pagdating sa kuwalipikasyon sa pagpapadala ng siklista sa nabanggit na kompetisyon . Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply