Maglive-in na pinasok sa kuwarto; 1 patay, 1 kritikal

NASAWI ang isang lalaki habang malubha naman ang di pa nakikilalang live-in partner nito matapos pasukin ang kanilang inuupahang kuwarto at pagbabarilin ng dalawang salarin sa Quezon City Martes ng gabi.

Kinilala ang yumaong biktima na si Rey Neyron, 43, may-asawa, walang hanap-buhay, habang kritikal naman ang ka-live-in nito sa General Malvar Hospital.

Ayon sa imbestgasyon ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), naganap ang insidente dakong 6:50 p.m. sa loob ng kuwarto ng mga biktima sa 89 Fortune st., Barangay Batasan Hills, ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, nakahiga at nanunood ng telebisyon ang dalawa nito nang biglang sumulpot ang mga salarin, na walang kamukat-mukat na nagpapaputok.

Nang maisagawa ang krimen ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon ang mga armadong salarin dala ang ginamit na kalibre 45. na baril.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis-Quezon City upang matukoy ang motibo sa likod ng pagmamaril. R.A. Marquez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply