Maglola patay sa sunog

NASAWI ang mag-lola makaraang makulong sa nasusunog nilang bahay Miyerkules ng hapon, Marso 23, sa lungsod ng Pasay.

Nakuha ang mga biktimang sina Adela Miranda, 64, ina ni Insp. Bernie Miranda, hepe ng Special Weapons And Tactics (SWAT) team ng Pasay police at ang apong si Prince Miranda, 9, isang special child sa loob ng natupok nilang bahay sa Grando St., ilang minuto makaraang maapula ang apoy dakong 4:30 ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng mga tauhan ng Arson Division ng Pasay City Fire Department dakong 3:00 ng hapon ng magsimulang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Miranda sa hindi pa malamang dahilan.

Agad na naitaas sa ikatlong alarma ang sunog matapos lumaki ang apoy at nadamay ang ilan pang kabahayan sa maliit na eskinita ng Lucban St. malapit sa panulukan ng Libertad at Taft Avenue.

May hinala ang mga imbestigador na hindi agad nakalabas ng kanilang bahay ang mag-lola dahil maliit lamang ang daanan at napapalibutan ito ng matataas na pader ng malaking gusali.

Ang bangkay ni Adela ay nakuha sa sala ng bahay habang sa nakuha naman sa loob ng silid sa ilalim ng kama ang kanyang apo kung saan nadaganan ito. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply