Magna Carta nagpasikat sa pista

IPINAKITA ni Magna Carta na isa siya sa pinakamahusay na batang kabayo sa bansa matapos ilampaso ang mga katunggali sa naganap na Three-year-old Conditions A-B-1-2-C1 sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite Miyerkules ng gabi.

Si Magna Carta ay sariwa pa sa kanayang panalo sa 2011 Philracom Chairman’s Cup na ginanap sa kabilang pista nitong buwan kung saan ay nakopo nito ang P1.2 million na premyo habang si back-to-back Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year Jessie B. Guce ang gumabay dito.

Subalit dito sa katatapos niyang panalo ay si class A rider John Alvin Guce na ang naging hinete ng winning horse dahil suspindido si JB Guce.

Nakopo ni Magna Carta ang added prize na P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

“Magaling talaga walang kahirap-hirap patakbuhin kapag binigyan mo ay rumeresponde agad.” saad ni JA Guce.

Sumegundo sa laban si Whistler habang tumersero si Mr. Universe.

Samantala, umibabaw si Fargo sa Three-year-old Maiden 1-2 race upang kanain naman ang P10,000 na hinandog ng Philracom.

Pinilit ni class A jockey Mark Angelo Alvarez na dumaan sa labas kahit may kasabay upang kunin ang bandera sa huling 100 metro ng labanana.

“Baka masalto ako kapag sa loob ako dumaan kaya dito pa lang sa far turn ay pumupuwesto na ako sa gawing labas.” palaiwanag ni Alvarez.

Naorasan si fargo ng 1:22 sa 1,300 meter race. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply