Magpinsan dakip sa pagnanakaw ng LPG

SWAK sa kulungan ang isang magpinsan nang nakawin ang Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng kanilang amo sa Caloocan City, Sabado ng hapon.

Nahaharap sa kasong qualified theft, illegal possession of firearm at illegal possession of deadly weapon sina Noli de Guzman, 34, ng A. at Zaldy de Guzman, 3,  kapwa ng DM cmpd., nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si  Enrique Santos, 38, alas-4 ng hapon, binibilang niya ang mga tangke ng LPG sa kanyang tindahan sa Samson rd., nang mapansin walang laman ang 18 piraso na tig-11 kgs at 2 piraso na tig-50 kgs na tangke na nagkakahalaga ng P18,150.

Nang usisain ng biktima ang mga suspek ay nalaman ng una na nanakaw at naibenta ito ng mga huli na naging dahilan upang tumawag ng barangay tanod.

Dinakip ng mga tanod ang mga suspek at nang kapkapan ay nakuhanan si Zaldy ng .38 na paltik habang balisong naman ang nakuha kay Noli. Rene Manahan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply