Mahigit 250 entries kasado na sa “Barkadahan Sa Pasay One-Cock Ulutan”

MULA umaga hanggang gabi ang sagupaan ng mga hackfight enthusiasts sa Miyerkules, Marso 23, matapos maikasa ang mahigit 250 entries para sa “Barkadahan Sa Pasay One-Cock Ulutan” sa Pasay City Cockpit Arena.

Aabot sa P600,000 ang kabuuang premyo rito. Meron ding jackpot prize na Honda Civic Automatic para sa eighth fastest win.

Pampagana sa unang 10 winners ang tig-iisang 14″ color TV habang washing machine naman sa 11th hanggang 20th winners.

Naglalakihang cash prizes din ang ibibigay mula sa first hanggang ninth fastest win at may premyo rin sa slowest win.

Nakalaan ang P10,000 sa pinakamaraming inilaban, P10,000 sa pinakamaraming panalo, P10,000 sa pinakamaraming talo at P5,000 sa tabla.

Hindi rin madedehado ang mga huling darating dahil sa special prizes para sa kanila. Para sa mga detalye, tumawag sa 843 -1746 at 816- 6750 at hanapin si Cheche o Ame. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply