Mahihinang ebidensya ipauubaya ng Kamara sa Senado

IPAUUBAYA na lamang ng mga kongresista sa Senado ang pagsusuri sa ‘di umano’y mahihinang ebidensya na inihain sa Kamara kaugnay sa dalawang impeachment complaints laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sinabi ni Tupas na ipauubaya na nila sa Senado ang bagay na ito dahil ang papel lamang ng Kamara ay determinahin ang probable cause, samantalang ang mga senador naman ang magsisilbing mga hukom.

Kasabay nito ang pag-amin ni Iloilo Rep. Neil Tupas, Jr., ang House committee on justice chair, na mananatili ang mahihina at ‘inadmissible evidence’ ng mga testigo sa impeachment case ni Gutierrez sa kabila ng posibilidad na maaaring makaapekto ito sa bigat ng kaso.

Aniya, kung naging maluwag sila sa unang yugto ng pagdinig, aasahan na umanong hihigpitan nila ang proceedings sa susunod na linggo kapag pumasok na sila sa pagdetermina ng ‘probable cause’.

Ikinagalak din ng kongresista ang mabilis na pag-usad ng proseso dahil ayaw nilang mapagbuntunan ng sisi sakaling hindi matapos ang pagdinig ng nabanggit na reklamo at magkaroon na naman ng immunity si Gutierrez sa sandaling paboran ng Korte Suprema ang kanyang petisyon. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply