Major Major susubok sa 3-year-old race

NAKATAKDANG humataw ngayong araw ang limang batang kabayo upang makipag-unahan sa Three-year-old Special Condition Race na gaganapin sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Rarampa sa pista si Major Major upang sungkitin ang unang panalo sa kanyang racing career.

Natalo si Major Major kay Life Is Beautiful sa huling laban nito noong Pebrero 19 sa nasabing pista kung saan ang gumabay sa kanya ay si class B rider John B. Cordero.

Kambiyo hinete si Major Major kay class A jockey Karvin Malapira para makopo ang halagang P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

“Masyado lang magaling si Life Is Beautiful para sa kanya pero sa tingin ko mag-uumento pa si Major Major dahil bata pa ito at may buti rin.” saad ni Carlito Fernandez veteran racing aficionado.

Ang ibang kalahok sa event na may distansyang 1,200 meter race ay sina Fargo, Unpredictable, Alessi’s Touch at Big Pocket.

Samantala, ilalarga rin ngayong araw ang Imported Maiden A-B race kung saan ay walo ang kasali sa distansyang 1,100 meter race.

Ang mga naka line up ay sina Perfect Partner, ang matulin sa largahan na si Yangsta Gangsta, Bondi Babe, Happy Land, Sweet Karla, Double Harmony, Classic Quality at Jumping Jonna. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply