Makati city hall employee itinumba

BINARIL at napatay ng isang lalaki ang isang empleyado ng Makati City Hall kanina, Martes, Marso 1 dakong-2:40 ng hapon.

Agad na namatay bunga ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Mario Reyes, nakatalaga sa Clearing Operation ng Makati City.

Nabatid sa ulat na ang biktima ay kumakain sa isang karinderya sa kanto ng Ocampo st. at Javier st., Barangay Pio Del Pilar nang dumating ang suspek sa likuran at biglang pinputukan sa batok ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Nang rumesponde ang awtoridad, tinangka pa ng suspek na manlaban sa mga pulis at nakipagpalitan putok.

Makaraan ang ilang segundong palitan ng putok ay bumulagta ang suspek.

Inaalam pa ang pangalan nito pati na ang motibo sa pamamaril sa biktima. Johnny F. Arasga/Amor Virata?Photo by Sam Lebradores

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply