Makinig ka Aiza, Rica, Mylene at iba pa; ‘Tingnan nyo muna ang sarili n’yo bago kayo manghusga’

Aiza Seguerra

MAY charity project ang  OPM (Original Pilipino Music), sa pangunguna ng presidente nito na si Ogie Alcasid ng isang concert billed as BalikaBayani.

Isa itong benefit concert for OFWs na gaganapin sa Araneta Coliseum on April 14, from 7:30p.m. to 10:00 p.m. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Edsa People Power Commission (EPPC), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Office of the Vice President/Presidential Adviser on OFW Concerns, Presidential Communications Operations Office (PCOO) and various business organizations such as ECOP, PCCI, FFCCCII, PRA, PFA and BPAP.

Isa sa performers dito siyempre ay si Ogie, kasama sina Gary Valenciano, Noel Cabangon, Christian Bautista, The Company, Spongecola, 6Cyclemind, Aegis, Salamin, Jim Paredes, Buboy Garovillo, Mae Paner, Dingdong Avanzado, Mark Bautista, Duncan Ramos, Faith Cuneta, Ryan Cayabyab singers, Jamie Rivera at Leah Salonga.

Ipinaliwanag ni Ogie ang objective ng concert.

Mylene Dizon

“Layunin ng concert na ito ang makapagsimula ng pondo na pangangasiwaan ng isang komite na binubuo ng EBBC, ng OWWA at DOLE at ng OPM na rin.  At popondohan po namin ng ilang proyekto na naisagawa na ng DOLE at OWWA para sa mga OFW.

“Kasi baka tanungin sa amin na saan po ba mapupunta ‘yung pera na kikitain dito. Kailangang ma-explain nating mabuti kung saan specifically pupunta ‘yung pera kasi, kung tutuusin pera ng tao ‘yan, dahil nagbebenta tayo ng ticket di po ba? At ninanais din po ng ating mga artists, ng ating mga performers ng OPM, na bigyan natin ng parangal, papuri at kasiyahan ‘yung ating mga hinirang na bagong bayani. Alam naman natin na hindi biro ang kanilang dinanas sa kanilang mga buhay, ‘yung kanilang pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay, ‘yung kanilang pakikipagsapalaran sa ibang bansa, pakikibagay sa mga banyaga tapos ‘yung kanilang biglaang pag-uwi siyempre dahil sa digmaan sa Libya, ‘yung delubyo sa Japan, ng gulo ng estado ng politika sa mga bansa tulad ng Yemen, Bahrain at Egypt.

“So ngayon, nandirito na po sila sa Pilipinas sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Pero sila rin naman ay nababahala sapagkat marami sa kanila ang walang trabaho. At nagbabalak pa sila ulit na bumalik dun sa gulo na kanilang nilisan. Sa amin pong palagay ito na po ang panahon na  ibalik po natin yung sinasabi natin nung araw na Bayanihan.  Dapat siguro kumilos na tayo, tulungan natin yung ating mga kababayan, ‘yung ating mga bagong bayani na sila ay makabangon muli, nang sila ay manatili na lang dito sa ating bansa.

“We’re doing this para dun sa mga nakauwi at wala nang trabaho,”  Bakit wala sa line-up ng performers ang kanyang misis na si Regine Velasquez?

“It’s a Thursday kasi. So, usually may taping sila ni Dingdong (Dantes) para sa I Heart You Pare. So were thinking na kukunan na lang sila ng video and maybe introduce some segments. And the other artist like Ruffa Guttierez, Kris Aquino, Jericho Rosales, Martin Nieverra, ‘yung mga wala po doon na hindi makakapunta, kukunan na lang din sila ng video to present a certain segments.”

E si Sharon Cuneta,bakit wala rin sa concert to think na malaki rin ang maitutulong nito sa success ng BalikaBayani?

“Well, actually, I have not spoken to Shawie, may taping din siya. So most probably, we will just video.”

Kahit isang benefit concert ang BalikaBayani ay may matatanggap din naman kahit paano ang participating artists dito.

“We do have token when you say token it’s really something more symbolic,” natatawang sabi ni Ogie. “It’s money but it’s not much.”

May specific target income ba sila sa concert? “Ang target namin ay maka-3 billion kami,”biro ni Ogie. “No, no we don’t have a specific target.  I think Dole and OWWA have the necessary fund. And they already have the necessary project. What we’re doing here is,  dinadagdagan namin ‘yung kulang pa, kung meron man, hindi po ba? Saka symbolic din yun, kasi maganda rin yung nakikita natin na lahat tayo nagtutulungan ba at nagkakaisa para sa isang objective, no.

“Yes we raise money but it is also important that we get together first for a specific purpose.”

After ng open forum ay inurirat naming si Ogie tungkol sa nalalapit na birthday ni Regine Velasquez  na  nasakto sa  Holy Week? Ano ang plano niya sa kaarawan ng kanyang misis?

“Gusto ko siyang i-surprise. Pero ngayong sinabi ko na, I guess hindi na surprise. Ha! Ha! Ha!

“I think she deserves a big party sa lahat ng success niya with I ♥ You Pare and sa pagiging asawa ko. Successful siya du’n. Big birthday party dito. Siguro, pagbalik namin from Australia,” sey niya na kung saan ay nakatakda ang kanilang European ‘honeymoon’ sa June. Kung hindi man made in Australia, sana raw ay made in Italy ang magi­ging baby nila.

“Well, hindi natin masasabi. Alam mo naman, God works in myste­rious ways. Kami naman, laging tinatanong ‘yan sa amin, but we never wanna put pressure on ourselves. Kasi kumbaga, we just obey. Kung anong ibi­gay sa amin, ‘yun na ‘yon. Doon kami.Because we‘ve been very blessed,” aniya pa.

Klinaro rin niya ang isyung iiwanan na siya ni Michael V  dahil natsismis na lilipat ito sa TV5.

“That’s not true. No, no, no. That’s not true. Ay naku, mag-aamok ako! But that’s not true. Bitoy is not leaving me. Para kaming mag-asawa, ‘di ba?”

Pinag-usapan ba nila ni Michael ang isyung ito?

“Yeah. Actually, alam ko ang puno’t dulo niyan. But that’s not important. Kasi, hindi naman totoo, e. What’s important is, his loyalty is intact.And I can safely speak for him,” deklara pa niya.

“Hindi  kami maghihiwalay, eh. Si Cheche at si Bureche , kahit mortal na magkaaway  sa Bubble Gang ay hindi puwedeng magkahiwalay!” pahayag pa niya.

-0o0-

Tama lang na sumali si Lea Salonga sa BalikaBayani kesa  kondenahin si Willie Revillame.  Tumulong  na lang siya sa ating mga kababayan  para may magawa naman siya.

Ganoon din  kay Aiza na ayaw tumigil sa pagti-tweet kay Willie. Hindi siya siguro busy kaya si Will ang pinagkakaabalahan niya .  May oras siya na magpapatol sa kontrobersyal na macho dancing ni Jan-jan. Sumuporta na lang siya sa project na ito ni Ogie Alcasid para masabi namang may nagagawa siyang tulong gaya ng ginagawa ng ‘Willing Willie’.

Rica Peralejo

Maanghang ang mga pahayag ni Aiza  sa kanyang Twitter Account. Akala mo naman perpekto siya at ganoon na lang ang pagbatikos niya kay Willie Revillame. Kung ang pagka-tomboy nga niya ay buong puso na tinanggap ng sambayanan at hindi ito tinuligsa kahit napapanood siya sa telebisyon at  may syota siya na kapwa-babae.

Si Rica Peralejo, sino rin ba siya dati at ganoon na lang makapag-react sa show? Dati rin naman siyang sexy star at nagpakita ng boobs bago siya nagbalik-loob sa Diyos.

Ang dali nila mag-judge at mag-condemn samantalang wala namang  masamang intension sa segment na ‘yun.

Ito pang isa, si Mylene Dizon, akala mo kung sinong malinis para usigin ang programamng Willie Willie. Puwede ba  ayusin niya muna na may basbas ng simbahan ang pagiging ina niya. Dalawa na ang anak niya pero hindi pa  rin ikinakasal. Kung balikan din siya  at kuwestyunin pagdating sa moralidad, aber?

Proteksyunan niya muna ang mga anak niya at  magpakasal siya bago siya makisawsaw sa  isyu kay Jan-Jan. Puwede ba ‘yun?

‘Yung mga liberated na tao ay wala namang nakikitang masama at natawa sila habang pinapanod sa You Tube.

Pero dahil  marami pa ring konserbatibo sa ating bansa kaya nagkakaroon ng  malisya at violent reaction sa ginawang pagsayaw niJan-Jan.

E , sa ‘yun ang talent ng bata, bakit kukuwestyunin? Nakahanda siya talaga na gawin ang talent na ‘yun at hindi naman iniutos ni Willie.

Ang daming problema sa mga bata na malalala kesa sa nangyari sa ‘Willing Willie’ pero bakit hindi naaaksyunan?

‘Yung ‘Muru Ami,” “Yung mga Bakal Boys’ sa Baseco, ‘yung mga batang nire-rape, kinikidnap at kinukuha ang lamang-loob, ‘yung mga batang namamalimos sa kalsada at nagtitinda ng sampaguita. Bakit patuloy pa rin na  nangyayari ito sa mga bata at napo-proteksyunan samantalang buhay nila ang nakataya?

Bakit   itong   macho dancing  ni Jan Jan ang pinag-iinitan? Ang ‘ Willing Willie’ ng TV5 ay gusto lang naman magbigay saya, pag-asa at tumulong sa mga kababayan natin.

Sabi nga Willie :” Kasiyahan po ang lahat ng ito. Hindi po namin babastusin o ipapahiya ang sinuman dito. Itong programang ito ay para sa inyong lahat. Alam naman namin ..in my heart, in my conscience, wala kaming inisip ni isa na saktan dito o apihin. Ito ang tahanan niyo… sa mga naghihirap, sa mga nangangarap at umaasa”

Tamaaaaaa! Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply