Malakanyang hinikayat ang publiko na magtipid sa kuryente, gasolina

HINIKAYAT ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na agad ikasa ang power conservation measures at bawasan ang paggamit ng gasolina sa mga behikulo ng pamahalaan bunsod ng mataas na presyo ng produktong petrolyo na resulta ng political turmoil sa mga oil-producing countries sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Ochoa na ito’y alinsunod sa Government Energy Management Program (GEMP) sa ilalim ng Administrative Order No. 110, na tinatawagan ng pansin ang mga government personnel na magpatupad ng energy conservation sa kanilang mga tanggapan.

“Public servants must lead by example in the general campaign for energy efficiency and conservation. This is a proactive response of the government to cushion the adverse effects from such price increases,” ang pahayag ni Ochoa.

At upang matiyak na susunod ang mga ahensiya ng pamahalaan sa kautusang ito ay inatasan ni Ochoa si Herminio Alcasid, Sr., chairman of the Energy Audit Team, na magsumite sa Office of the President ng isang summary accomplishment report at plan of action na nagsasaad ng improvements o amendments sa umiiral na GEMP framework.

Kaalinsabay nito ay umapela naman si Ochoa sa publiko na tumulong sa kampanya ng gobyerno na “save and conserve energy.”

“Energy efficiency is the shared responsibility of every citizen, and when everyone does their part to conserve fuel and electricity, all of us benefit,” pahayag ni Ochoa.

“A collective response is necessary to address a national issue like energy efficiency. All of us have to do the little things to conserve electricity and fuel because when you combine all these small initiatives, like turning off lights when not in use or carpooling, these will impact significantly on energy consumption.”

Bilang panimula, kailangan aniyang makibahagi sa “Bright Now! Do Right. Be Right.” campaign ng Department of Energy (DOE) na magpo-promote ng awareness at partisipasyon ng taumbayan sa energy utilization management and conservation.

“The DOE campaign provides the public measures that will cut down fuel consumption like carpooling, ensuring correct tire pressure at all times, clustering of destination, avoiding idling of vehicles and avoiding abrupt acceleration of vehicles,” pagtatapos ni Ochoa. Kris Jose

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply