Malakanyang ipinagtanggol ang desisyon ng OES pabor sa PAL

AGAD na ipinagtanggol ng Malakanyang ang naging desisyon ng Office of the Executive Secretary (OES) na pumabor sa resolusyon ng Department of Labor and Employment (Dole) na pabor naman sa outsourcing services ng Philippine Airlines (PAL).

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay hinimay na mabuti ni Executive Sec. Jojo Ochoa ang kaso at nakita ang merito ng Dole resolution.

Sa naturang plano ng PAL, aabot sa 2,000 ang matatanggal sa kanilang empleyado.

Aniya,  karapatan ng isang kompanya na magpatupad ng mekanismo para mapabilis at mapabuti ang serbisyo.

Wala naman siyang ideya kung kinukunsidera ito ng PAL Employees Association (Palea) na isang setback at hindi rin niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa nakabinbing strike vote.

Sa ngayon ang importante ay dinoble ng OES ang tatanggapin ng mga matatanggal na empleyado kung saan mula sa P50,000 ay ginawa itong P100,000.Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply