Malakanyang matatag pa rin sa pagsulong ng RH Bill

PATAY-MALISYA lang ang Malakanyang sa isinagawang rally kahapon sa Lungsod ng Maynila ng Simbahang Katoliko laban sa Reproductive Health Bill kung saan dinaluhan ito ng nasa 40,000 katao.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi mababago ng isang rally lang ang kanilang posisyon na isulong ang responsible parenthood kung saan desisyon ng mag-asawa ang bilang ng magiging anak.

Sa ngayon ay ipinaubaya na nila ang RH Bill sa mga kongresista dahil trabaho ng mga ito na pagdebatehan at ipasa ang isang panukalang batas.

Sa kabilang dako, wala namang balak si Pangulong Benigno Aquino, III na gapangin ang kanyang mga kaalyado sa Kongreso para isantabi muna ang RH Bill.

Ginagalang naman ng Malakanyang ang ginawang anti-RH Bill rally at kinikilala umano nila ang karapatan ng mga taga-simbahan na magpahayag ng opinyon.

Samantala, nananalig ang Malakanyang na magpapatuloy ang pag-uusap ng mga kinatawan ng simbahan at Kongreso para mapakinggan ang lahat ng boses sa kontrobersyal na usapin.

“We leave it to the legislature, we leave it to the legislative process,” ang pahayag ni Lacierda. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply