Malakanyang no comment sa partial report ng Senate committee sa impeachment complaint vs Ombudsman

TIKOM ang bibig ng Malakanyang sa posibilidad na ma-teknikal ang partial report ng Senate committee na ‘di umano’y nagtutulak sa impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na hihintayin muna nilang matanggap ang kopya ng Senate Blue Ribbon Committee report bago magbigay ng komento.

“Hindi kami makakapag-komento pa ngayon dahil hindi pa kami nakaka-receive nung official pronouncement ng Senado,” ayon kay Valte.

Sinabi rin ni Valte na sinusundan ng Malakanyang ang mga pagdinig sa Senado kaya’t alam nila ang mga nakakalap na impormasyon ng mga senador mula sa mga pagdinig.

Kamakailan ay nagpahayag si Senador Joker Arroyo na ang report ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa ‘di umano’y papanagutin si Gutierrez at ang kanyang mga prosecutors para sa “betrayal of public trust” ay hindi aniya maiaakyat sa plenary dahil karamihan sa mga lumagda rito ay “with reservations.”

Nakasaad sa report na si Gutierrez at ang kanyang special prosecutors ay pawang nagtaksil sa  sa tiwala ng publiko  nang pumasok sa plea bargaining agreement kay former military comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia na nahaharap ngayon sa plunder charges. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply