Malakanyang tanggap na ang pagbitay sa 3 OFWs

KUMBINSIDO ang Palasyo na dumaan sa tamang proseso ang lumabas na hatol na bitay sa tatlong Overseas Filipino Worekres (OFWs) sa China.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda ginawa ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan upang masagip sa parusang bitay kina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain.

Sinabi ni Lacierda na binigyan ng pamahaalan ang mga inakusahan drug mules ng legal assistance upang maipaglaban ang kinasasangkutang kaso  subalit naging pinal ang naging desisyon at dapat ding igalang ang desisyon ng People’s Supreme Court ng China alinsunod sa kanilang umiiral na batas.

Nauunawaan umano ng Malakanyang ang sentimiyento ng pamilya ng tatlong OFWs na nahatulang mabitay sa China.

Sinabi ngayon ni  Lacierda na alam nila ang damdamin ng mga ito at kanila itong nirerespeto.

Tanggap na rin ng Malakanyang na wala ng posibilidad na mabaliktad ang desisyon dahil noon pa man ay malinaw ng postponement lamang ng bitay ang ibinigay ng China.

Nauna rito, umaasa ang pamilya ni Sally Ordinario- Villanueva na makikiusap pa rin ang pamahalaan sa China para maibaba sa habambuhay na pagkabilanggo ang parusang kamatayan na hatol sa kanya dahil sa
kasong drug trafficking. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply