Malakanyang umaasa pa rin sa himala

UMAASA ang Malakanyang na iku-konsidera ng bansang China ang pinakahuling affidavit ni Sally Ordinario-Villanueva, isa sa tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatakdang bitayin sa Miyerkules, Marso 30.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Ricky Carandang, nakasalalay na sa kamay ng Chinese government kung may bearing ang nasabing affidavit para hindi muna ituloy ang pagbitay kay Villanueva.

Binigyang diin nito na pinal na ang desisyon ng People’s Supreme Court of China kaya wala nang magagawa pa rito ang gobyerno para baguhin ang naging desisyong bitayin ang tatlong OFWs.

Magugunitang noong nakaraang Sabado, Marso 26, ay nag-execute ng testimonya si Ordinario kung saan idiniin nito ang kanyang recruiter sa drug smuggling.

Samantala, ipinagdiinan ng Malakanyang na hindi nagkulang ang gobyerno para iapela ang buhay ng tatlong OFWs kahit sa simula pa lamang ng kaso nong 2008. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply