Malakanyang umaasang maisasalang ang ARMM elections postponement sa natitirang 3 session days ng Kongreso

UMAASA ang Malakanyang na maihahabol at maisasalang sa plenaryo ng Kongreso ang pagpapaliban sa ARMM elections kahit tatlong araw na lamang ang natitira sa kanilang session days.

Ito’y matapos na gawing urgent bill ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III ang pagpapaliban ng eleksyon sa ARMM sa Agosto.

Binigyang diin ni Deputy Presidential spokesman Atty. Abigail Valte na alam na ng mga kaalyado ng Chief Executive ang gagawin sa Kamara para hindi mabigo ang panukala.

Sa katunayan ay apat na gobernador mula sa Tawi-Tawi, Sulu, Basilan at Maguindanao ang personal na nagpakita ng suporta kay Aquino kaalinsabay ng pagsusumite ng kanilang joint resolution bilang pagpapakita ng suporta sa ARMM elections postponement.

Nagkakaisang sinabi ng grupo ni Maguindanao Gov. Ismael Toto Mangundadatu na nakausap na nila ang kanilang constituents at nagkakaisang sumusuporta sa agenda ni Aquino.

Naniniwala ang opisyal na sa pamamagitan ng pagpapaliban sa halalan sa Agosto ay masisimulan ang paglilinis sa ARMM.

Sa pamamagitan ng manifesto na may lagda ng mga halal na opisyal ng lalawigan ng Basilan ay malinaw na nagkaisa ang mga ito sa magandang nilalayon ng pagpapaliban sa halalan sa ARMM dahil magbibigay aniya ito ng magandang oportunidad na plantsahin ang mga may depektong sistema sa ARMM at mabigyang daan ang patuloy umiiral na  usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at MILF.

Nakasaad din sa manifesto ang hangarin ng mga ito na walang mangyayaring hold-over status para sa mga incumbent ARMM elective officials sa pagtatapos ng kanilang termino at bigyang kapangyarihan ang Pangulo na magtalaga ng karapat-dapat na personalidad para sa mga tinatawag na elective  positions ng Regional Governor, Regional Vice-Governor at miyembro ng Regional Legislative Assembly.

Ang mga opisyal na nakalagda sa manifeTasto ay sina Basilan Gov. Jum Akbar, Akbar Mayor Ali Sali, Tuburan Mayor Jhaber Kallahal, Ungkaya Pukan Mayor Jhomar Maturan, Muhammad Ajul Mayor Talib Pawaki, Tipo-Tipo Vice- Mayor Shuaib Maralil, Lantawan Mayor Rustam Ismael, Maluso Mayor Indanan Daud, Albarka Mayor Muhammad Kabukisan at Hj. Muhtamad Mayor Anwar Abdulmajid. Kris Jose

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply