Malakas na lindol nagbabanta sa Metro Manila

AABOT sa maximum 7.9 magnitude na lindol ang maaaring tumama sa Metro Manila, ayon sa mga eksperto sa ginanap na media forum sa Tinapayan sa Balitaan sa Sampaloc, Manila.

Dahil dito, kinakailangan ang maigting na paghahanda sa anumang mangyayari sa bansa partikular na sa buong Metro Manila, dahil  sa ilang lugar dito ang umano’y open sa fault line tulad sa Marikina City  na aabot sa Pasig hanggang sa Muntinlupa City.

Ayon sa mga eksperto, tulad din ng Manila Trench,  higit pa ang madaramang lakas ng lindol na maaaring makapagdulot ng pagkawasak ng mga gusali at sunog.

Nabatid kina Dr. Ted Esguerra, chairman ng Search and Rescue Unit Foundation Incorporation ng Philippine Coast Guard; Gwen Pang, Secretary General ng Philippine Red Cross at Martin Aguda ng International Association of Emergency Managers ng Pilipinas, bukod sa malakas na lindol na dulot sa Japan, kamakailan na umabot sa magnitude na 8.9, at napabalitang pagsabog umano ng Nuclear plant ay maaari umanong madamay ang bansa sa radiation.

Ayon pa sa mga ito, nagsasagawa na ng mga pag-aaral ang mga ekesperto para mapaghandaan ang nasabing kalamidad.

“Puwede tayong maapektuhan ng radiation, depende sa ihip ng hangin, kung makontamina ang tubig, isda, tao at lahat ng living things,” ayon kay Esguerra. Rene Crisostomo

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply