MALAMIG NA LANGIT (Ika-15 labas)

NAKANGITING kinamayan at pinaupo ni Romano ang magandang GRO sa kanyang tabi.

Bago naman lumayo, tinawagan ng floor manager ang isang waiter.

“Ano’ng drinks mo?” tanong ng binata kay Almira.

“Juice lang!” matipid naman nitong tugon.

Mabilis na kinuha ng waiter order ng GRO at hangos nang umalis.

Pasimpleng pinagmasdan ni Romano ang kanyang ka-table …

Hindi siya niloko ng floor manager …

Quality ang ka-table na dinala sa kanya bukod pa sa batambata.

Pero kahit napakaganda at napaka-sexy ng kanyang ka-table, walang dating sa kanya.

Hindi siya naa-arouse …

Walang sex drive na dapat lang maramdaman ng isang lalaki kapag nakakita ng kalibog-libog na babae lalo na at katabi.

Gustong malungkot ni Romano …

Ang kawalan ng aksiyon ng kanyang pagkalalaki, alam niyang epekto ng sakit na necrophilia.

Sa isang patay nalilibugan at hindi sa isang buhay.

Mahirap pala ang ganito …

Mistula siyang impotent.

“Mukhang hindi ka tagarito, kuya,” basag ni Almira sa katahimikan.

“Puwede bang Romano na lang ang itawag mo sa akin. Nagmumukha akong matanda na kapag tinawag mong kuya,” sabi ng binata.

“Sorry!” nakangiti at karakang paghingi ng paumanhin ni Almira.

Inakbayan ng lalaki ang babae at game naman itong humilig sa kanyang balikat …

Ang lambot ng katawan at ang bango ng dalaga.

“Nagpapa-take out ka ba?” tanong ni Romano.

“Depende!” sagot naman ng GRO.

“Paano’ng depende?”

“Kung type ko ang magti-take out sa akin. Hindi ako basta sumasama sa lalaki. Gusto kong
kumita but at the same time ay gusto kong mag-enjoy sa aking ginagawa.”

“Kung isama kita sa tinutuluyan kong otel pag-alis ko rito, okey  ba sa iyo?” tanong ni Romano.

Tiningnan muna siya ni Almira bago sumagot.

“Puwede!  Mukha ka namang mabait!” nakangiting sabi ng GRO.

Biro lang para sa binata ang sinabi pero mukhang mapapasubo siya.

“Gusto sana kita pero baka hindi ko makaya ang presyo mo!” sabi niya.

“Kapag type ko ang lalaki na nag-iinvite, hindi na importante ang presyo. Kahit libre,
okey lang sa akin lalo na at magaling siyang mag-perform sa kama,” sagot naman ni Almira.

Ininom ni Romano ang kanyang beer.

“Iti-take out kita. Pero kapag hindi ka nasiyahan sa akin, babayaran kita,” ang deal niya sa GRO.

Uminom lang ng ilang beer ang binata at binayaran na ang barfine ni Almira.

Ilang saglit pa at kasama na niya ang GRO patungo sa otel na tinutuluyan.

Lalong humanga si Romano sa babae nang maghubo’t hubod na ito sa kanyang harapan sa loob
ng kanyang silid.

Perpekto ang alindog ni Almira …

Gandang pangkama talaga …

Nang si Romano naman ang maghubad,  impress din ang dalaga.

Physically fit kasi ang katawan ng binata na alaga sa vitamins at exercise para lagi siyang nasa kundisyon sa oras ng kanyang trabaho sa ospital bilang siruhano.

Natigilan si Almira nang tanggalin na ng binata ang kanyang brief …

“Ang laki pala ng bird mo, Romano. Pero mukhang mahiyain. Parang hindi sanay makakita ng maganda at seksing babae,” biro ng GRO.

Hindi umimik ang binata …

Marahang nahiga sa kama …

Game namang sumampa sa higaan si Almira at tumabi sa kanya.

“Aalisin ko ang pagiging mahiyain ng ‘dick’ mo. Gagawin ko siyang walanghiya at tarantado,” sabi ng babae saka biglang hinawakan ang nakalungayngay alaga ni Romano.

Tahimik na nakiramdam ang binata …

Dasal niyang sana’y magtagumpay si Almira sa kanyang gagawin. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply