MALAMIG NA LANGIT (Ika-17 labas)

KINABAHAN si Romano dahil sa sinabi ng doktor.

Nararamdaman niya na siya ang tinutukoy nito.

“Sayang ang doktor na iyon. Napakagaling pero dahil sa sakit na necrophilia,  natanggalan ng lisensiya,” pailing-iling na sabi ng psychiatrist.

“A-Ano ho ang pangalan ng doktor na iyon?” tanong ng binata.

“Dr. Romano Santamaria. Isang napakagaling na siruhano!”

“Bakit kinailangang tanggalan siya ng trabaho, dok? Hindi ba nila naisip na mas marami siyang matutulungan kung hindi siya inalisan ng lisensiya bilang isang doktor?” tanong ni Romano.

“In my opinion, hindi ko siya aalisan ng karapatan bilang siruhano. Our country needs a quality doctor like him. But nakapagdesisyon na ang board of medicine at wala tayong magagawa. Malaking kahihiyan siya sa medical profession kaya siya tinanggal.” paliwanag ng psychiatrist.

Biglang iniba ni Romano ang topic.

“Since na magkapareho kami ng karamdaman, paano mo ako matutulungan, dok?” tanong niya.

“Hindi masasabing may diperensiya ka sa utak pero may kakatwa kang hilig that go beyond the control of your brain. Hindi pa naman hopeless ang sakit mo pero kailangan mo ng ka-partner na handang magsakripisyo para bumalik sa normal activitiy ang iyong sexlife,” paliwanag ng manggagamot.

“Ano ang ibig mong sabihin, dok?”

“Isang babae na magtitiyagang tumulong sa iyo na buhayin ang iyong sex drive para sa buhay at pawiin ang iyong passion for the dead.”

Natigilan si Romano.

“May asawa ka na ba, iho?” tanong pa ng psychiatrist.

Umiling ang binata.

“Nobya?”

Muling umiling si Romano.

Ang manggagamot naman ang napailing-iling.

“Tsk-Tsk-Tsk! Mahirap humanap ng isang babae na uunawa sa kalagayan mo unless kukuha ka ng bayaran para tulungan kang gumaling sa iyong karamdaman,” aniya.

Naibigay na ng psychiatrist ang kanyang advice.

Ang paggaling ng pasyente ay sa sariling mga kamay na nakasalalay.

Binayaran ni Romano ang consultation fee at umalis na.

Malalim na nag-iisip ang binata habang lulan ng kanyang SUV.

Kung paano matutulungan ang sarili …

Sa kalagayan niya, malabo na siyang magkaasawa.

Sino ba ang mag-iisip na pumatol sa kanya sakaling malaman na sa patay siya tinitigasan at hindi sa buhay na babae?

Iisa na lang ang naiisip niyang paraan …

Kumuha siya ng bayarang babae.

Sa puntong ito niya biglang naisip ang GRO na si Almira.

Kinagabihan, pinuntahan niya ang dalaga sa beerhouse na pinapasukan. Wala pa ang GRO nang dumating siya kaya gulat na gulat ang babae nang madatnan siya sa pinapasukan.

“Ang aga mo yata. Naunahan mo pa ako!” sabi ni Almira.

“Tama ka. At kanina pa kita hinihintay!” sagot naman ni Romano.

“Huwag mong sabihing gusto mo na naman akong ilabas? Bakit, tinitigasan ka na ba?” pabirong tanong ng GRO.

“Gusto kitang alukin ng trabaho.”

“May trabaho na ako rito!” sagot ni Almira.

“Hindi basta pera kundi kayamanan ang kikitain mo sa iaalok kong trabaho sa iyo!” pormal
na tugon ni Romano.

“R-Really?”  namimilog ang mga matang tanong ng dalaga saka biglang naupo sa harapan ng binata. “Ano namang trabaho iyon?”

Hindi agad sinagot ni Romano ang tanong ng babae.

“Limang milyon ang ibabayad ko sa iyo kapalit ng trabahong iyon!” sabi ng binata.

“A-Ang laki! Pero ano nga ang trabaho na gusto mong ipagawa sa akin?” sabik na tanong ni Almira.

“Simple lang! Tutulungan mo akong maibalik sa normal activity ang aking pagkalalaki. Ang magkaroon ng pagnanasa sa buhay at hindi sa patay!” pormal na sagot ni Romano.

Biglang nag-isip ang GRO. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply