MALAMIG NA LANGIT (Ika-21 labas)

“ANG bait mo pala, Romano. Pakasalan mo na kaya ako!” tuwang-tuwang sabi ni Almira sa binata habang lulan ng SUV para umuwi na.

Sa apartment na nila hihintayin ang delivery ng mga inorder nilang kasangpakan.

“Sabihin mo sa akin iyan kapag puwede na akong lumusong sa balon mo!” sagot naman ng binata.

“Anytime, puwede ka namang lumusong pero ang manoy mo ang may problema,” sabi ni Almira. “Pero huwag kang mag-alaala. Ako ang bahala riyan. Tuturuan ko iyang sumingasing na parang dragon.”

Natawa si Romano.

“Huwag mong sabihin. Gawin mo!” sabi ng binata.

“Talaga!” irap naman ng dalaga.

Nagpatuloy ang kanilang pagbibiyahe.

Malapit na sila sa kanilang uuwian nang biglang balingan ni Almira si Romano.

“Dumaan muna tayo sa palengke. Marami akong bibilihin. Ngayong hindi na ako papasok sa beerhouse, mag-iistak na tayo ng pagkain sa bahay,” sabi niya.

Nag-backing si Romano at nagtungo sila sa palengke ni Almira.

Binigyan ng binata ang dalaga ng pera para pamalengke.

Ang daming pinagbibili ng babae.

Hilahod ang boy sa pagdadala sa sasakyan kung saan naghihintay si Romano.

“Magpa-party ba tayo sa bahay?”  nakangiting tanong ng binata.

“Ano’ng magpa-party? Istak nating pagkain iyan para hindi tayo labas nang labas sa bahay para bumili,” pawisang sagot ni Almira.

Saglit na tiningnan ng lalaki ang babae.

Kapag pinapawisan pala ito, namumula ang kulay ng balat at lalong gumaganda.

“Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?” kunot-noong tanong ni Almira nang mapuna ang makahulugang titig ng binata.

“Wala naman. Nagagandahan lang ako sa iyo!” sagot ni Romano.

“Oy! Nambobola ka na! E, iyan ba namang ahas mo, nakakagapang na?” kilig na tanong ng babae.

“Not yet!”

Tigas na hagikhik ng dalaga.

“Sige, pagtawanan mo ako!”

Biglang tigil si Almira tapos ay biglang nangarap.

“Ano kaya ang gagawin ko sa limang milyon na ibabayad mo?” tanong ng babae.

“Magnegosyo ka para lalong lumago,” sagot ni Romano.

“Kapag tinatayuan ka na, ano ang gagawin mo?” biglang tanong ni Almira sa binata.

“Ano pa, e di mangdudyug!”

“Sino?”

“Lahat ng babae na bubukaka sa harapan ko, tutuhugin ko!”

Biglang sumimangot si Almira.

“Kaya siguro pinagtampuhan ng tigas ang alaga mo, may masama kang binabalak,” sabi ng dalaga.

“E, saan mo ba gusto mo na gamitin ko ang aking pambulog?” tanong ni Romano.

“Mag-asawa ka ng marangal na babae at bumuo ka ng pamilya!” sabi ni Almira.

“E, ikaw .. ano naman ang gagawin mo kapag tapos na ang trabaho mo sa akin?”

“Itutuloy ko na ang pagbabagong buhay. Ayaw ko nang magsayaw sa beerhouse. Magtatrabaho na ako ng marangal!”

Naputol ang kanilang usapan nang makarating na sila sa apartment.

Naging abala na sila sa pag-aayos ng kanilang pinamili.

Hindi naman nagtagal at dumating na ang inorder nilang mga appliances.

Taranta sila kung saan magandang ipuwesto ang mga ito.

Pagod at pawisang-pawisan sila nang matapos ang pagsasaayos.

Pero hindi maipaliwanag ang kasiyahan ni Almira.

Palakad-lakad na pinagmamasdan ang magagandang kasangkapan.

Maya-maya’y mangiyak-ngiyak na nilapitan niya si Romano at niyakap.

“Maraming salamat. Kung hindi dahil sa iyo, hindi magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap ko,” aniya.

“Mahirap ang magiging trabaho mo sa akin. Dapat lang na lahat ng benipisyo ay ipagkaloob ko sa iyo,” sagot naman ni Romano habang masuyong hinahaplos sa likod si Almira. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply