MALAMIG NA LANGIT (Ika-26 Labas)

PERO kung tatapusin na ni Romano ang kanilang kontrata, wala siyang magagawa.

Trabaho lang ang nag-uugnay sa kanila ng binata.

At ngayong magaling na siya, anumang oras ay puwede na niyang tuldukan ang kanilang ugnayan.

Sa bawat araw na lumipas, lagi tuloy kinakabahan si Almira.

Tuwing lalapit sa kanya si Romano, nag-aalaala siya na ang sasabihin nito ay tapos na ang trabaho niya at puwede na siyang umuwi.

Isang hapon, ang lakas ng kabog ng dibdib ng dalaga nang tawagin siya ni Romano.

May mahalaga raw siyang sasabihin sa kanya.

Ini-expect ni Almira na kung ano ang kanyang iniisip, siyang sasabihin ng binata sa kanya.

At mukhang tama ang kutob ng kanyang loob.

“Tapos na ang taning na ibinigay ko. Puwede ko nang gawin ang gusto ko,” pormal na sabi ng lalaki.

“I-Ikaw ang bahala,” basag ang tinig na sagot ni Almira.

Biglang napatingin sa kanya si Romano.

“Tapos na ang usapan natin na isang linggo. Bakit parang mabigat pa rin sa loob mo na ibigay ang gusto ko? Huwag mong sabihing hindi ka pa nakakarekober?” biglang tanong ng binata.

Natigilan ang dalaga …

Parang mali ang kanyang akala …

“Isang linggo na akong diyeta at sabik na sabik na ako sa seks.  Hanggang ngayon ba ay hindi pa ako puwedeng umiskor?” malungkot na tanong ni Romano.

Nagliwanag ang mukha ni Almira …

Nabuhayan ng pag-asa.

“O-Okey na ang pakiramdam ko. Puwede ka na ulit magpakasawa hangga’t gusto mo,” masayang sabi ng dalaga.

“YES!” tuwang-tuwang sigaw ng binata.

Kasunod nito, pasambilat na binuhat ni Romano si Almira at dinala sa kanilang kuwarto.

Nag-aapoy na mga sandali ang sumunod …

Bumawi ang binata sa isang linggong pagkabakante sa seks …

Nang muli silang mag-isang katawan, parang ayaw na ni Romano na muli silang magkahiwalay.

Babad to death ang binata sa lungga ni Almira.

Walang reklamo ang dalaga …

Bigay na bigay …

Sa paraang iyon, gusto niyang mapahaba ang pagsasama nila ng binata.

Kung ilang ulit na bumukal ang masaganang nektar ng kaligayahan sa maapoy na tagisan ng kanilang laman.

Kapwa naghahabol sa paghinga at naliligo sa pawis nang maghiwalay ang dalawa.

Walang imik si Almira habang nagpapahinga …

Nag-iisip naman si Romano …

Ngayong hindi na siya makakabalik sa medical profession, dapat na siyang mag-isip ng ibang trabaho.

Pero ano ang aaplayan niya ay medicine ang kurso na kanyang tinapos?

Kung magbubukas naman siya ng business, hindi niya alam kung ano’ng klaseng negosyo ang bubuksan.

Kinabukasan, naisipan ni Romano na lumabas …

Maglalakad-lakad muna siya para pag-isipan kung ano ang makabubuting gawin.

Hindi sumama si Almira.

Marami raw siyang gagawin sa bahay.

Paalis na siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone …

Pangalan ng kaibigang doktor na si Louie ang nakarehistro sa LCD ng kanyang cp.

Sabik na sinagot niya ang tawag ng kaibigan.

“Ikaw pala, pare. Mabuti naman at naisipan mo akong tawagan. Sabik na sabik na ako sa aking mga kaibigan,” masayang sabi ni Romano.

“Nasaan ka ba, pare?” tanong ni Louie.

“Narito ako sa Dagupan City!”

“Ang layo mo pala kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, pare. May importante akong kailangan sa iyo kaya naisipan kitang tawagan.”

“A-Ano iyon?” Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply