MALAMIG NA LANGIT (Ika-siyam na labas)

DAHIL sa sakit na necrophilia, naging alipin ng kabaliwan si Romano.

Enjoy na enjoy siyang karomansa ang isang bangkay.

Ito ang nagmulat sa kanya ng tunay na kahulugan ng sex kaya walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan.

Samantala, sa isang beerhouse na maagang magbukas humantong sina Gaspar.

Naghihintay na rito ang isa nilang kasama.

Masaya silang nag-apiran.

“Nakakuha tayo ng baka na gagatasan. Kapag nawalan tayo ng badyet, muli kong tatawagan si Romano at hihingan ng pera. At kapag hindi siya nagbigay, tatakutin ko siya na isusumbong sa mga pulis kung nasaan ang nawawalang bangkay,” sabi ng una saka malakas na tumawa.

Nakitawa na rin ang dalawang kasama.

Nang lumapit ang waiter, omorder sila ng beer at tig-iisang ka-table.

“Bata at bago ang dalhin mong bebot sa amin, ha! Hindi bagong lipat!” sabi ni Gaspar sa tagapagsilbi sabay tawa.

“Areglado, bosing,” sagot naman ng waiter at hangos nang umalis.

Habang hinihintay nila ang pagdating ng kanilang order, masaya silang nagkukuwentuhan.

Nang anim na malalaking lalaki na nakasuot ng jacket ang lumapit at pinalibutan sila.

Isa ang naglabas ng wallet sabay pakita ng tsapa.

“Mga pulis kami at iniimbitahan namin kayo sa aming himpilan!” pormal na sabi ng isa.

Biglang palag si Gaspar.

“B-Bakit, Sir? Ano ang kasalanan namin?” galit na tanong ng lalaki.

“Pagnanakaw ng bangkay ng isang babae.”

Biglang nagkatinginan ang apat.

“Huwag na kayong tumanggi dahil may lumutang na saksi na kayo ang nagnakaw sa nawawalang bangkay ng babae sa isang memorial park!” patuloy ng pulis.

Bago nakahuma sina Gaspar, mabilis silang pinosasan ng mga pulis.

Ang sarap ng tulog ni Romano sa mga sandaling iyon.

Katatapos lang niyang katalikin si Hyacinth kaya nakatulog siya sa labis na pagod.

Nang biglang mag-ring ang telepono sa kalapit …

Gulat na nagising ang binata.

Sunod-sunod ang pag-ring ng telepono kaya napilitan siyang bumangon.

Ang kaibigang si Louie ang nasa kabilang linya.

“N-Napatawag ka, pare. May problema ba sa ospital?” tanong ng binata.

“Hindi tungkol sa ospital ang dahilan nang pagtawag ko, pare,” sagot ni Louie na anyong masayang-masaya.

“T-Tungkol pala saan?”

“Nahuli na ang mga nagnakaw sa bangkay ni Hyacinth. Nakakulong na sila ngayon at nakatakdang paaminin kong saan nila dinala ang bangkay ng pinsan ko!”

Namutla ang binata dahil sa narinig.

Nanlalamig ang pakiramdam …

Alang-alala …

Hindi siya nakatitiyak na hindi ituturo nina Gaspar bilang mastermind.

Nararamdaman niya na malapit na silang magkahiwalay ni Hyacinth …

At hindi lang iyon, tapos na ang kanyang career.

Sa kangkungan na siya pupulutin.

“Hello, pare … bigla kang natahimik. Where are you na?” tanong ni Louie.

Hindi na sinagot ni Romano ang tawag …

Wala siyang alam na sasabihin …

Kung magdadahilan siya, lalo lamang madadagdagan ang kasalanan niya sa kaibigan oras na malaman nito na siya ang nagpanakaw sa bangkay ng kanyang pinsan.

Malungkot at naluluhang binalingan niya si Hyacinth …

“I hurts to say goodbye pero hindi na mapipigilan. Paalam na sa iyo, mahal ko,” sabi niya sa bangkay.

Nang mula kung saan ay pumunit ang malakas na wangwang ng mobile car.

Mariing napapikit si Romano kasabay ang pagpatak ng dalawang butil ng luha mula sa mga mata. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply