Malawak na gulo sa Arabia pinaghahandaan na ba?

PATAYAN talaga ang nagaganap sa Libya.

Nakaaawa ang mga overseas Filipino worker na hindi pa nakalalabas roon at naiipit sa mga patayan na bunga ng giyerang sibil.

Wala mang naiuulat pang namatay sa bala na mga OFW, hindi malayong may mga mamatay sa gutom at sakit sa puso at iba pa.

Sinasabing marami sa mga OFW ang hindi nakakakain sa loob ng kung ilang araw habang ang mga suwerti ay nakakakain pa ng isang beses sa isang araw.

Nagaganap ito dahil sa dumarami ang mga nag-aarmas at kung saan-saan na lang sumusulpot at lumalaboy ang mga ito hanggang sa delikado na ang maglalabas sa pinagtataguan para lang bumili ng pagkain.

Marami namang bilihan ng pagkain ang nagsasara.

Sino ang hindi magkakaroon ng sakit sa puso, ulser at iba pang sakit na nakamamatay, huh?

oOo

Pero hindi hanggang sa Libya lamang ang problema, Suki.

May nagaganap ding ilang gulo sa Egypt, Algeria at Tunisia na nakapalibot sa Libya.

Nakadikit naman sa Saudi Arabia ang mga bansang Yemen, Oman at Bahrain na may gulo ring nagaganap.

Paano kung sisiklab nang sisiklab ang mga pipol pawer sa nasabing mga bansa?

Eh ilang daang libong OFW ang nakakalat sa mga bansang ito? Paano kung lulundag sa Saudi Arabia ang gulo na kinatatagpuan ng nasa 1.3 milyong OWF?

Nang may maganap na gulo sa Lebanon hanggang Israel at ngayon sa Libya, nakaaawa ang mga OFW kahit nasa 50 mil lang ang mga OFW roon.

Kinakitaan ng kainutilan ang mga onorabol

Paano ang aabot sa nasa dalawang milyong OFW na maaapektuhan ng gulo sakaling lalawak ang gulo sa mga bansang Arabiano?

Kainutilan pa rin ba ang masasaksihan natin?

O PNoy, paano ito, huh?-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply