Malawakang transport holiday sa Abril, Mayo

DAHIL  na rin sa walang preno sa pagtaas ng produktong petrolyo,  wala ng atrasan ang planong malawakang transport holiday sa buong bansa ng transport group.

Ayon kay George  San Mateo, secretary-general ng Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston), isasagawa ng grupo ang malawakang kilos-protesta laban sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasoline, diesel at LPG sa darating na Abril at Mayo sa Luzon, Visayas  at Mindanao..

Madiin ding hihilingin ng Piston ang pagpabasura sa Oil Deregulation Law at  Value-Added Tax  sa oil price na  siyang nagpapahirap sa mga  tsuper at operator, pati na ang mga pasahero.  Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply