Maliliit na oil firms tutol sa dagdag na buffer stock

TINUTULAN ng mga independent oil company ang panukalang magdagdag sila ng buffer stock upang hindi sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sakaling lumalala pa ang nangyayaring kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Fernando Martinez, chairman ng kumpanyang Eastern Petroleum  at ng Independent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA), malaki ang malulugi sa kanila sakaling mag-ipon sila ng malaking suplay ng krudo.

Ani Martinez, kapag bumalik sa normal ang sitwasyon sa Gitnang Silangan at presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado ay maiiwan sa kanila ang sobra-sobrang suplay na nabili nila sa mas mataas na presyo.

Samantala, handa umano ang Department of Energy (DOE) na makipagpulong sa grupong Consumer and Oil Price Watch ni Raul Concepcion kaugnay sa ipinatutupad na price adjustment sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, maaaring lumahok sa weekly meeting ng DOE tuwing Lunes ng umaga ang grupo ni Concepcion upang makita nito ang formula at computation sa ipinatutupad na price adjustment ng mga kumpanya ng langis.

Handa rin aniya silang makipagpulong sa grupo ni Concepcion para malaman ang sarili nitong computation at iba pang impormasyon na maaari nilang ibahagi na makatutulong sa gobyerno.  Johnny Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply